Sa ekonomiks, ang demand curve o kurba ng demand ay ang grapikong paglalarawan ng presyo ng bilihin at ang demand ng bilihin ayon sa nakatakdang presyon. Ginagamit ang kurba ng demand upang pag-aralan ang paggalaw ng pamilihan na karaniwang isinasama sa supply curve upang malaman ang equilibrium price. Sinasabing nagbabago ang demand curve kapag may pagbabago sa mga salik maliban sa presyo sa pagtukoy ng demand nang sa gayon ay magkakaroon na ng bagong demand curve.