Ang maikling kwentong " Ang Kuwintas" ay isang
akda ng panitikang mediterranean. Ito ay mula sa France na isinulat
ni Guy de Maupassant. Ito ay tungkol sa isang babaeng lubos na nangarap na
maging tampok sa lahat. Dahil sa labis na kagustuhan ni Mathilde (pangunahing tauhan), nagawan ng paraan ng kanyang asawa (G. Loisel) upang makadalo sa kasiyahan ang asawa. Natupad man ang pangarap ni Mathilde sa isang buong gabi, humantong sila sa isang sitwasyon na hindi nila lubos maisip na mangyayari--nang mawala ang hiyas na hiniram nila sa kaibigan nilang si Madam Forestier.
Ang kwentong ito ay sumasalamin sa kutura at katangian
ng mga taga-France.
Ito ay nagpapakita ng isang larawan ng katangian ng mga taga-france lalo na sa mga kababaihan.