Malaki ang epekto ng patuloy na paglaki ng populasyon sa isang bansa lalong lalo na sa mga mamamayang naninirahan dito. Dahil sa paglaki ng populasyon sa isang bansa, maaaring magkaroon ng kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan sa buhay katulad na lang ng mga pagkain, tubig, lupa, at iba pa, at minsan pa nga'y nagiging pangunahing dahilan kung bakit nagma-'migrate' ang mga taong naninirahan dito. Nakakaapekto ang patuloy na paglaki ng populasyon sa isang bansa sa paraan na binibigyan nito ang mga mamamayan ng rason upang lumipat ng bansa na kung saan ay magkakaroon sila ng mas magandang antas ng buhay.
--
:)