Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga
opisyal na wika ng Pilipinas. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang
Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat.
Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa sa Agosto ay alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s.
1997. Sa taong ito, ang pagdiriwang ng buwan ng wika ay may temang:
Buwan ng Wika 2015: “Wikang Filipino ay Wika ng
Pambansang Kaunlaran"
Ang temang ito ay nangangahulugang, ang paggamit ng ating wikang pambansa ay isang malaking bahagi sa bansang kaunlaran. Ito ay dahil, ang wikang pambansa ay nagbigkis sa bawat mamayang Pilipino upang magkaroon ng pagkakaunawaan. Ang pagkakaroon ng pagkakaunawaan ay nangangahulugang may pagkakaisa. Sa pagkakaroon ng pagkakaisa, ang kaunlaran ng bayan ay hindi malayong mangayayari.