Ang Wikang Filipino
Ang wikang Pilipino ay ating mahalin.
Ito ang sagisag nitong bansa natin
Binubuklod nito ang ating damdamin
Ang ating isipan at mga layunin.
Wikang Pilipino ay maitutupad
Sa agos ng tubig na mula sa dagat,
Kahiman at ito'y sagkahan ng tabak.
Pilit maglalagos, hahanap ng butas.
Oo, pagkat ito'y nauunawaan
Ng wikang Pambansa sa baya'y ituro
Talumpu't dalawang taon sinasapuso,
Ng mga bata, matanda, lalo na ang mga guro.
Napasok na nito'y maraming larangan
Ng mga gawain na pampaaralan,
Transaksyon sa bayan at sa sambayanan
Iya'y lumitaw, na sa mga bayani.
Rizal, Bonifacio, Del Pilar at Mabini
Kaya't kabataan, sikaping mag-ani
Sa sariling bayan ng dangal at puri.