IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Ilang taong Sinakop ng Espanya ang Pilipinas ?

Sagot :

Nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon mula taong 1565 hanggang 1898. Dalawang pamamaraan ng pananakop ang ginamit ng mga Espanyol, ito ay ang ebanghelisasyon at ang kolonisasyon. Ang ebanghelisasyon ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas at nagsisimbolo ito ng krus bilang mapayapang paraan ng pananakop. Espada ang simbolo ng kolonisasyon  at ginagamitan ito ng lakas-militar para sakupin ang Pilipinas. Sa estratehiyang ebanghelisasyon, ang mga paring Espanyol o kilala sa tawag na prayle ang namamahala. Ang mga guardia civil ang namamahala sa kolonisasyon sa estratehiyang batas militar.

Mga Patakaran ng Espanyol

Itinuturing ang mga Pilipino na di-sibilisado kaya nagpatupad ang mga Espanyol ng sumusunod na mga patakaran:  

  • Entrada. Ito ang unang hakbang sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas na ginagamitan  ng lakas-militar.
  • Reduccion. Ito ay ang pag-iipon ng mga tao sa iba't ibang barangay sa isang cabecera upang mapadali ang pagsakop ng mga Espanyol.
  • Doctrina. Ito ay pinangangasiwaan ng mga prayle at nagtatayo ng isang parokya sa cabecera. Ang mga paring misyonero rin ang nangangasiwa at pagbibinyag sa mga Pilipino ayon sa  simbahang Katoliko (https://brainly.ph/question/111272).
  • Encomienda. Ito ay isang polisiyang pang-ekonomiya na itinakda ng pamahalaang Espanya. Ang mga encomendor ay pinagkalooban ng encomienda at naging tagapamahala sa nasasakupan bilang kinatawan ng hari ng Espanya.  
  • Polo y servicio personal o prestacion personal. Ito ay ang sapilitang paggawa ng walang kabayaran ng mga  lalaking Pilipino edad 16 hanggang 60 na taong gulang. Sila ay pinagtatrabaho ng 40 na araw sa loob ng isang taon upang magputol ng mga puno sa mga gubat at gumawa ng mga barkong pandigma.  
  • Tributo. Ito ay labis at sapilitang pagbayad ng buwis na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang mga ecomendero ang kumokolekta ng mga buwis  sa kanilang nasasakupan dito sa Pilipinas.

Mga Di-mabuting Epekto ng Pananakop ng  Espanyol sa Pilipinas

Ang mga sumusunod ang di-mabuting epekto ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas:

  1. Pagkawala ng kalayaan, katarungan at karapatang pantao ng mga sinaunang Pilipino.
  2. Ginawang panakot ang relihiyon o paniniwala sa Diyos  upang pasunurin ang mga Pilipino sa kanilang mga patakaran.  
  3. Ang pag-unlad ng  agham at teknolohiya ay nahadlangan dahil doktrina ng relihiyon ang ginagamait sa pagtuturo.
  4. Dahil sa kaisipang kolokyal mas tinangkilik ng mga Pilipino ang mga imported na produkto.
  5. Pagkakaroon ng di-pantay na antas sa lipunan sa pagitang ng mayaman at mahirap.
  6. Pagkakaroon ng mga labanan dahil hindi na matiis ng mga sinaunang Pilipino pagmamalabis ng mga Espanyol sa kapangyarihan.  

Basahin ang mga link upang makaalam ng higit tungkol sa pananakop ng mga Espanyol:

Ginamit ng Espanyol sa pananakop sa Pilipinas https://brainly.ph/question/542387

Tula sa pananakop ng Espanyol sa Pilipinas https://brainly.ph/question/2106645

#BetterWithBrainly