Ang Batas Republika bilang 7104 ay naipasa noong Agosto 14, 1991 na siyang dahilan ng pagtatatag ng "Komisyon sa Wikang Filipino" bilang pagsunod sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV Seksyon 9. Ang Komisyon ng Wikang Filipino ay ang ahensiyong pwedeng magmungkahi o magplano ng mga hakbang, patakaran at gawain tungkol sa wika kasama na ang paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa. Sa tuwing inuungkat ang pinagmulan ng Komisyon ng Wikang Filipino ay hindi maiwasang ungkatin din ang masalimuot na pakikibaka ng mga tao para sa wikang Filipino.