Ang dula bilang isang pagsasabuhay ng isang akdang kathang isip ay bahagi na ng ating tradisyon at kultura. Ang ganitong uri ng pagtatanghal ay malaki ang naitutulong sa kulturang Pilipino lalung-lalo na ang mag pangkat o relihiyon kung saan ito nagsimula sapagkat ito ay isang malinaw na representasyon sa kasaysayan at kultura ng isang pangkat. Karaniwang ang paksa ng mga dula ay nakabatay sa tunay na karanasan at kasaysayan ng isang lugar sapagkat isang paraan din ng pagpapahayag ng damdamin at kuro-kuro ang isang dula.