Ang mga katutubong Indus ay naninirahan sa hugis-parisukat na bahay at napakahusay nila sa paggawa ng mga palayok lalung-lalo na sa pag-uukit ng kung anu-ano sa bato. Ang kanilang mayamang kultura at tradisyon ay makikita sa mga disenyo ng kanilang mga palayok at sa mga bagay na kanilang iniukit sa kahoy man o sa bato. Sinasabing mahilig sa sining ang mga katutubong Indus kung kaya't napagtutuunan din nila ng pansin ang "sculpting" bilang bahagi ng kanilang sining na nalalaman.