Ang perpektibo ay ang aspekto ng pandiwa na tumutukoy sa isang salitang kilos na tapos na o nagawa na. Ang perpektibo ng salitang isara ay isinara. Ang imperpektibo naman ay tumutukoy sa aspekto ng pandiwa na ibig sabihin ay ginagawa pa o kasalukuyang ginagawa ang isang kilos. Ang perperktibo ng salitang isara ay isinasara. Ang kontemplatibo ay ang aspekto ng pandiwa kung saan ang salitang kilos ay hindi pa nagagawa o gagawin pa lamang. Ang kontemplatibo ng isara ay isasara. Ang perpektibong katatapos ay tumutukoy sa salitang kilos na kayayari o katatapos pa lamang bago nagsimula ang pagsasalita. Ang perpektibong katatapos ng isasara ay kasasara.