Napakahalaga ng pag-aaral ng heograpiyang pantao o demography. Sa pagsusuri ng distribusyon ng tao sa isang lokasyon o lugar, mahihinuha natin ang mga pangangailangang dapat tugunan ukol sa wika, relihiyon, tradisyon, pilosopiya, at iba pang salik. Mas matutugunan ang mga pangangailangan ng bawat salik kung may isang pag-aaral sa kung papaano umuusbong ito, at kung anu-ano ang mga nakakaapekto sa mga ito at sa ugnayang nito sa pag-unlad ng sibilisasyon ng isang lugar.