IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Ang Kwintas:
Ang kwentong “Ang Kwintas” na isinulat ni Guy de Maupassant ay isang uri ng maikling kwento ng tauhan. Ito ay nagmula sa bansang Pransya o Republika ng Pransya na isang malaking bansa sa Europa. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang magandang babaeng nagngangalang Matilde na nangarap na maikasal sa isang mayaman at kilalang binata.
Ang kwento ng “Ang Kwintas”: https://brainly.ph/question/174834
Mga Tauhan:
- G. Loisel – ang kabiyak ni Matilde na nagtatrabaho bilang isang abang tagasulat.
- Matilde/Gng. Loisel – ang pangunahing tauhan ng kwento na isang nakabibighani at magandang babae ngunit mayroong simpleng pamumuhay.
- G. at Gng. George Ramponneau – ang Ministro ng Instruksyon Publiko at ang kanyang kabiyak na nagpadala ng isang paanyaya sa mag – aswang Loisel sa isang salu salo.
- Madame Forestier – ang kaibigan ni Matilde na nagpahiram sa kanya ng kwintas na maaari nyang gamitin bilang palamuti sa araw ng salu salo.
Buod:
May isang babaeng maganda at kaakit – akit nagngangalang Matilde ngunit hindi gaanong napapansin dahil sa kasimplehan ng kanyang pamumuhay. Nagpakasal siya sa isang tagasulat upang makilala at makahalubilo ang mga mayayaman at tanyag na tao ng kanilang lugar. Hindi naman siya nagkamali sa kanyang pag aakala ng minsang magpadala ng paanyaya ang mag – asawang Ramponneau para sa isang salu salo.
Palibhasa’y dukha, minabuti ni Matilde na humiram ng palamuti sa kanyang kaibigang si Madame Forestier upang maging presentable para sa araw ng salu salo. Bukod dito ay humingi rin siya ng pambili ng bagong damit sa kanyang asawa upang ipares sa kanyang nahiram na palamuti. Naibigan niya ang isang kwintas na pagmamay – ari ng kaibigan na sa palagay niya ay bagay na bagay sa kanyang bagong bestida.
Tumingkad ang kanyang kagandahan sa naganap na salu salo at hindi siya nabigo na maungusan ang mga kababaihang naroroon. Inabot sila ng madaling araw sa pakikipagsiya kaya naman minabuti na nilang umuwi dulot ng magdamag na pagod. Sa kanilang pag uwi ay nawaglit niya ang kwintas na nakasabit sa leeg at tuluyang nawala.
Dahils sa labis na hiya at takot sa kaibigan ay minabuti ng mag asawa na palitan ang kwintas. Nagtrabaho silang mabuting mag asawa upang makabili ng kwintas na maaaring ipalit sa kanyang nawala. Pinalad naman silang makabili ng kapalit at ibinalik niya it okay Madame Forestier ngunit panlulumo ang kanyang naramdaman ng malaman na ang kwintas na nawaglit ay hindi kasing halaga ng kanyang ipinalit dito.
Buod ng “Ang Kwintas”: https://brainly.ph/question/812404
Ano ang maikling kwento ng tauhan?
Ang maikling kwento ng tauhan ay tumutukoy sa kwento na nagbibigay – diin sa kilos o galaw ng pangunahing tauhan maging ang kaniyang pananalita, pakikipag – usap, at kaisipang namumutawi. Ang maikling kwento na ito ay naglalarawan ng iisang kakintalan sa pangunahing tauhan inilalarawan o pinapaksa sapagkat siya ang kumakatawan sa kabuuan ng kwento sa pamamagitan ng mga ideyang pinalulutang nito na nagbibigay kabuluhan sa kwento. Inilalarawan nito ang tunay na katauhan ng tauhan sa kwento.
Ang may – akda ay gumagamit ng ilang pamamaraan upang mailarawan ang tunay na katauhan ng tauhan sa kwento. Isa na rito ang pagpapalawig ng kanyang damdamin, isipan, mithiin, at panalabas na anyo maging ang kanyang kilos at pananalita. Bukod dito, ang pagpapalitan ng katauhan ng mga interaksyon sa pagitan ng iba pang mga tauhan sa kwento.
Uri ng maikling kwento: https://brainly.ph/question/127242
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.