1. Bakit ang isang malaking kontinente ay mayroong ibat-ibang uri ng klima? Mas nakabubuti ba ito o nakasasama?
2. Paano naaapektuhan ng monsoon sa Asya ang mga Asyano?
3. Madalas ba ang paglindol sa Silangan at Timog Silangang Asya? Patunayan.
4. Ano ang kaugnayan ng pagsabog ng bulkan sa pagkakaroon ng mga pisikal na anyo tulad ng bundok,talampas,ilog,lawa, at dagat?
5. Paano naaapektuhan ng mga pagyanig at pagsabog ng bulkan ang likas na kapaligiran ng pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas at ilang bahagi ng Silangan Asya? Paano ang naging pagtugon ng mga tao dito?