Sa panimula ng isang kwento nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Sa kwento nina Cupid at Psyche makikita na sinimulan ito sa anyong naglalarawan. Inilarawan nito ang sitwasyon sa lugar kung saan nakatira si Psyche. Inilarawan ang kanyang buhay at maging ang kanyang suliranin sa unang bahagi ng kwento. Makikita din natin na agad ipinakilala ang mga pangunahing tauhan sa kwento na si Cupid at Psyche at nagbigay ng kanilang posibleng partisipasyon sa pag-ikot ng kwento. Malinaw ang paglalarawa sa ugali at pagkatao ng mga tauhan sa simula ng kwentong ito.