Ang mga tagpuang nabanggit sa kwento ay ang bahay nina G. at Gng Matilde, ang sayawan sa palasyo at ang bahay ni Madame Forestier. Sa bahay nina G. at Gng Matilde ay dito siya madalas naglalagi at gumagawa ng mga gawaing pambahay. Dito din niya parating naiisip ang ang pagkahabag sa kanyang sarili dahil sa uri ng buhay meron siya. Sa palasyo ginanap ang kasiyahan na dinaluhan ng mag-asawa kung saan lubos na naging maganda at kapansin-pansin ang kanyang kagandahan dahil sa suot na bestida at kwintas. Sa bahay ni Madame Forestier din nanghiram ng kwintas si Matilde para maisuot sa kasiyahan.