IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

ano ang balangkas ng mga pangyayari sa ang kwintas?

Sagot :

Ang balangkas ng mga pangyayari sa ang kwintas ay ang mga sumusunod:

-Umuwi si G. Loisel at masayang ibinalita kay Matilde ang tungkol sa imbitasyong nakuha para sa isang kasiyahan.
-Hindi natuwa si Matilde bagkus nagmaktol pa ito at sinabing ipamigay na lang ang imbitasyon dahil wala naman siyang susuotin.
-Naawa si G. Loisel sa asawa kung kaya't sinabi niyang ibili niya ng bagong bestida ito gamit ang kanyang naipon na pambili sana ng baril pang-ibon.
-Natuwa si Matilde ngunit ilang araw na lang bago ang kasiyahan ay parang ayaw na naman niya dahil wala siya kahit ni isang alahas.
- Nagmungkahi ang asawa nito na bibili sila ng mumurahing alahas ngunit ayaw ni Matilde kaya't sinabi na lamang ng kanyang asawa na manghiram ng alahas si Matilde sa isang mayamang kaibigan.
- Nagningning sa kasiyahan si Matilde noong gabing iyon. Napuna at pinuri siya ng lahat. Masayang masaya siya.
- Nang pauwi na siya ay nawawala ang kwintas. Hinanap nila ito ngunit hindi nila makita kaya napagpasyahan nilang palitan ito ngunit napakamahal nito kaya kinailangan nilang  magbenta , manghiram at kumayod ng doble upang makabili ng kwintas.
-Nakabili nga sila ng kwintas ngunit nalaman nilang hindi naman pala totoo ang bato ng kwintas tulad ng inaakala ng mag-asawang Loisel.At dito nagtapos ang kuwento.
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.