Ang sumusuno ay mula sa salitang- ugat na suno, isang pangngalan na ang ibig sabihin ay ang pagpayag o pagbibigay-pahintulot na makisabay ang ibang tao sa iyong sasakyan, yung parang makiangkas. Sa madaling sabi, ang sumusuno ay isang salitang kilos na nasa aspektong imperpektibo na ang ibig sabihin ay ang pakikisakay o pakikisabay ng sakay o pag-angkas sa sasakyan ng isang kakilala o kaibigan. Karaniwang nakikita o nararanasan ang ganitong sitwasyon kapag masama ang lagay ng panahon at masyadong matrapik para maghintay ng pampublikong sasakyan kaya't pinipili na lamang ng iba na makisuno sa mga kaibigang may sariling sasakyan.