IDNStudy.com, ang iyong platform para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

what is"tambalang salita"

Sagot :

Ang tambalang salita (compound words) binubuo ng dalawang salitang pinagsama para maging iisang salita.

Ito ay may dalawang uri, ang ganap at di-ganap. Ang tambalang salitang nasa ilalim ng di-ganap na uri ay nangangahulugang ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama ay nananatili pa rin ang kahulugan sa bagong salita. Halimbawa nito ay ang sumusunod:

  • asal-hayop

Ang salitang ito ay nangangahulugang ang ugali ng isang tao ay tulad ng hayop.

  • silid-aralan

Ito ay may kahulugang isang silid kung saan ang mga estudyante ay nag-aaral.

Kapag naman ito ay tambalang ganap, ang kahulugan ng bagong salita ay hindi na pinagsamang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama. Bago na ang kahulugan nito. Halimbawa nito ay ang sumusunod:

  • dalagangbukid

Isang uri ng isda.

  • bahaghari

Rainbow sa wikang Ingles

#AnswerForTrees

#BrainlyBookSmart