Kung may pagkakaintindihan, may pagkakaisia at kung may pagkakaisa, may kaunlaran. Ang
wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang
katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang
Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit
bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Dahil dito, may iisang pambansang wikang kinikilala at ginagamit bilang pambansang kasangkapan sa pagkakaunawaan ang bawat Pilipino. Mas nabigkis ang bawat isa dahil sa mabisang komunikasyon at walang hadlang sa pagkakaintindihan. Mas malinaw na transaksyon sa kalakalan sa pagitan ng isa't-isa. Ang kaunlaran at pag-usbong ng pamumuhay ay magandang dulot ng pagkakaunawaan.