Ang sagradong aklat ng mga Aryan ay tinatawag na Vedas. Sa loob ng Vedas ay ang mga tinipong himnong pandigma, mga sagradong ritwal at mga sawikain at salaysay. Malinaw na makikita at mababasa sa Vedas ang paraan ng pamumuhay ng mga Aryan mula sa pagitan g 1500 B.C.E hanggang 500 B.C.E. Tinawag ding Panahong Vedic ang panahong ito. Sinasabing dinala ng mga Aryan ang kanilang Diyos na karaniwan ay mga lalaki at mga mandirigma kung saan makikita na ang kulturang Aryan ay pinangingibabawan ng mga kalalakihan.