Ang "Indarapatra at Sulayman" ay isang epiko kung kaya't hindi kataka-taka na ito ay nababalot ng mga supernatural na kapangyarihan. Kabilang sa mga ito ay ang sibat ni Indarapatra na pwedeng utusang makipaglaban ng mag-isa na hindi na kailangan hawakan pa. Ang mahiwagang kris din na mayroong sariling isip kung saan kusa itong nakikipag-away kapag may nakikitang kalaban. Ang mahiwagang tubig na siyang dahilan ng muling pagkabuhay ng kapatid ni Indarapatra pagkatapos itong painumin ng mahiwagang tubig na ito.