Ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses; ang mga
taga-France ay kilala sa hindi matatawarang mariringal na pananamit. Karamihan
sa kanila ay sopistikado kung manamit, disente at sunod sa uso (professional
and fashionable style), ngunit hindi sobra sa dekorasyon (overly fussy). Ang
karaniwang damit nila ay mahahabang amerikana, terno, mga bandana (scarves) at
berets o bilog at malalambot na sombrero.Tulad ni Mathilde, gustong-gusto
niyang magkaroon ng mga magagarang bestida.
Mahilig din sa piyesta at pagdiriwang ang mga Panses, tulad ng nasa kwento, ang mga tao ay mahilig sa kasiyahan.