Ang maikling kuwento ay isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o iilang tauhan na mayroong iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong uri ng panitikan na gumagagad sa mga pangyayari sa realidad. Ang ganitong uri ng panitikan ay nakakatulong sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kultura o paniniwala ng isang lugar sapagkat naipasalin-salin ang mga kwentong ito mula sa isang henerasyon patungo sa sunod na henerasyon. Sa ganitong paraan ay mananatiling buhay ang paniniwalang ipinahayag sa maikling kwento.