Noong dekada 80 ipinagtibay ng Tsina ang one-child policy (isang anak sa bawat pamilya) na nagbabawal sa mga mag-asawa na magkaanak ng higit sa isang bata, bukod ang ilang iksempsiyon para sa mga pamilyang nakatira sa mga pamayanang rural, mga taong walang naging kapatid, at iba pa. Ipinatutupad ang naturang patakaran ng mga pamahalaang panlalawigan na may kasamang multa.