Ito
ay isang kwento tungkol sa isang katiwalang naglulustay ng ari-arian ng kanyang
amo. nalaman ito ng kanyang mayaman na amo at inutusan siyang mag-ulat tungkol
sa kanyang pangangasiwa. Naging suliranin ito ng katiwala sapagkat, totoong
nilustay niya ang ari-arian ng kanyang amo. Kaya naman, ginamit niya ang
kanyang pagkatuso upang malusotan ito. Binawasan niya ang bawat utang ng mga
tao sa kanyang amo ng kalahati upang matakpan ang kanyang nalustay na
ari-arian.