Ang chronemics ay isang anyo ng komunikasyong di berbal. Ito ay tumutukoy sa paggamit at pagpapahalaga ng oras bilang batayan ng kaakibatan ng mensahe. Halimbawa, ang pagdating nang huli sa isang mahalagang okasyon ay maaaring iinterpret bilang kawalang-interes at respeto sa mga taong nag-imbita at sa oras ng mga taong nandoon na. Samantalang ang pagdating naman ng maaga sa isang kasiyahan ay maaaring ikainsulto o ikasama ng loob ng nag-imbita sapagkat maaari itong dahilan ng kanyang pagkakataranta.