Ang kasingkahulugan ng iyak o palahaw ay taghoy. Ito ay tumutukoy sa isang malakas na pagdaing na maaaring dulot ng isang damdamin na maaaring sobrang sakit. Minsan, ang intensidad ng sakit na nararamdaman at pinagdadaanan ng isang tao ay makikita o maririnig sa kanyang pag-iyak o panaghoy. Ito lang kasi ang natatanging paraan upang lubusan nating mailabas ang sakit na nararamdaman dulot ng mga problema at para na rin maibsan kahit konti ang bigat na ating dinadala.