Ang Epiko ni Gilgamesh ay isang epiko mula sa
Mesopotamia. Ang kanilang panitikan ay tunay na kasasalaminan ng kanilang
angking kultura. Makikilala sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga ito ang kanilang
mga paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay, ugali, at iba pa na
mapagkikilanlan ng kanilang lahi. Ito ay isinalin sa wikang Ingles
ni N.K. Sandars at isinaling-buod naman sa Filipino ni Cristina S. Chioco.
Nangyari ang kwento sa lungsod ng Uruk na pinamumunuan ni Gilgamesh.