Sinimulan ang Mitolohiyang Cupid at Psyche sa pamamagitan ng paglalarawan ng pangunahing tauhan. Ito ay naging mabisa sapagkat ito ay naghimok sa mambabasa na basahin hanggang sa wakas ng kwento ang akda. Ito ay pumukaw sa mambabasa upang magkaroon ng siglang basahin ang kwento. Ang panimula ng kwento ay nag-iwan ng katanungan ng mamababasa na: Ano kaya ang mangyayari kay Psyche pagkatapos siyang dalhin sa tuktok ng bundok? Ano kaya ang mga maaaring mangyari sa kanya? Ang mga katanungang ito ay sapat na magiging dahilan upang magpatuloy na bumasa ang mambabasa hanggang sa wakas ng kwento.