Ang Imperyong Maurya ay itinatag ni Chandragupta Maurya noong 322 BCE kaya't siya ang tinaguriang unang datu o pinuno ng imperyo. Si Maurya ang nagpatalsik sa dinastiyang Nanda dahilan upang mas lumawak ang kanyang nasasakupan pakanluran hanggang sa gitnang bahagi ng kanluraning India. Sinakop din ng Maurya ang trans-Indus na pinamahalaan ng mga taga-Macedonia sa ilalim ng pamamahala ni Chandaragupta. Lubos na naging maunlad ang ekonomiyang panloob at panlabas ng imperyong Maurya sa pamumuno ni Chandragupta. Ang imperyo ring ito ang tinatayang may pinakamataong imperyo na mayroong populasyon na humigit kumulang sa 50-60 milyon katao.