Ang sawikain ay kasabihan o kawikaang may dalang aral na maaaring tumukoy sa isang idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Ang sawikain ay maari ring isang moto o mga parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Kadalasang malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang matatalinhagang pahayag.