IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ang Alamat Ng Cagayan de Oro
Sa isang isla
na kung tawagin ay Cagay-an . May naninirahang mga taong igorot. May Pinuno
sila na ang pangalan ay Kabul. Si Kabul
ay marahas pero matalino, kaya sya ang
piniling pinuno ng mga igorot. Hindi naniniwala si Kabul sa Diyos at mga Bathala, wala syang kina katakotan. Isang araw lahat ng tribu ng igorot ay nag
diriwang ng kapistahan. Lahat ng igorot ay nag sayawan, naghanda at nag alay para
sa kanilang Bathala pwera kay Kabul. Gusto ni Kabul na sya lang ang katakotan
at sambahin. Nagagalit sya sa tuwing nakikita nyang may nag-aalay sa mga Bathala. Sa tindi ng selos at galit nya,
pinilit nya ang mga igorot na maniwalang walang Bathala o mga Diyos at ito ay
kathang isip lamang. Pero hindi naniwala ang mga tao. Nagalit si Kabul at
tinawag ang kanyang mga alagad. Binantaan ni Kabul ang mga igorot na kung sinu
man ang makita nya na sumasamba o nag aalay sa mga Bathala ay ipapatapon nya sa
dagat. Natakot ang lahat pwera ang isang bata na nag ngangalang Yoro.Si Yoro
Ang pinakamabait na bata sa isla.Sya na lang mag isang namumuhay nang makain
ang kanyang mga magulang ng pating
habang nangingisda. Palihim na sumasamba at umaalay ang batang igorot sa tuwing
oras na nang pag samba. Ilang araw ang lumipas, tila nag bago ang lahat ng mga
mamamayan sa isla. Wala ng mga gamit na nag sisimbolo ng mga bathala. Wala na
ring kasiyahang para sa mga ito. Tanging para kay Kabul lamang inaalay ang mga
ipinag diriwang na kasiyahan. Isang araw habang nag diriwang ng kasiyahan ang
mga mamamayan,biglang bumagyo ng malakas at kumidlat ng matalim. Lumalaki at
lumalakas ang hampas ng mga alon sa isla. Tinamaan ng kidlat ang isang puno ng
nyog at nasunog. Natumba ito sa gitna ng isla, sa pag kakahati ng isla nakita
ni Kabul ang batang si Yoro na nag dadasal sa kabilang bahagi . Nagalit ito at
nagsama ng mga kasamahan upang patayin ang batang igorot. Ngunit sa
pagkakatawid palang ng mga masamang igorot ay tinamaan na sila ng kidlat an
mistulang nagging abo. Pwera kay Kabul na nagawa pang maka iwas sa kidlat.
Palapit na sya sa bata at narinig an dinadasal nito. “ Mahal na bathala,
tulungan nyo po kami. Gamitin nyo po ako upang mailigtas ang mga inusenteng
kasamahan ko.” Lakas loob na sinabi ng bata. Natawa lang si Kabul at sinigawan
ang bata. “Sa liit mong Iyan!? Maliligtas mo ang mga tao dito!? Bata, hindi ka
matutulongan ng imahinasyon mo!” sabay kuha ng kanyang palakol para putolin ang
ulo ng bata. Ngunit sa pagkaka kuha pa lang nya ay tinamaan na sya agad ng kidlat
at mistulang nagging abo din. Unti-unting lumubog ang isla at nagsigawan sa
takot ang mga igorot . Sa paglubog ng isla ay napunta ang batang si Yoro sa
ilalim ng isla at unti-unting nagging isda. Dahan dahan itong lumaki at
mistulang ini aangat ang isla. Tanging mabubuting loob lang ang naiwang buhay
sa isla.Samantalang ang batang si Yoro ay habang buhay ng nagging isda.Ngunit
kalian man ay hindi sya nag sisi ditto. Kung minsan ay lumalangoy si Yoro dala-dala
ang isla, kaya lumilindol.Nabangga sya sa isang kalupaan at hindi na maka alis.
Nang magtagal ay nagging Pilipinas na ang kalupaan na ito at si Yoro at ang
isla ng Cagay-an ay nagging parte narin ng Pilipinas. Tinawag ang isla na
Cagay-an De Yoro. Nang nag tagal ay nagging Cagayan de Oro na ang tawag dito.
ginawa ko to para sa filipino project namin but im sharing this to you.. i hope na nakatulong ako
ginawa ko to para sa filipino project namin but im sharing this to you.. i hope na nakatulong ako
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.