Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit
sa Nile. Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang mga eskribano ay
nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na
hieroglyphics o nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek.
Ang sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga pangyayari.