Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay
karaniwang may 8,12 at 16 na pantig o sukat.
Halimbawa:
Sukat: Lalabindalawahing pantig
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Tugma – Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng
bawat taludtod. Maaaring ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-a, a-b-a-b, o
kaya ay a-b-d-a.
Halimbawa:
Tugmang a-a-a-a (magkatugma lahat ng linya)
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
Talinghaga – Ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Ang tulang ito ay may ibang damdamin at nag-iiwan ng kakaibang ekspresyon sa mambabasa.