Ang pangunahing tauhan sa kwentong ito ay si Emperador
Indarapatra ng Kahariang Mantapuli. Siya'y matalino, mabait at matapang. May
sibat siyang matapos ihagis sa kaaway ay bumabalik sa kanya. Nang may nanalot
na mga dambuhalang halimaw sa Mindanaw ay isa-isa niya itong napatay. Siya may kapatid, si Prinsipe Sulayman. Ang kapatid
ang nagligtas sa Kaharian laban sa apat na salot: si Kurita, hayop na
maraming paa at isang kainan lamang niya ang limang tao; si Tarabusaw, mukhang
tao na nangangain ng tao; si Pha, ang ibong dahil sa kanyang laki'y
nakapagpapadilim ng bundok at ang halimaw na si Kurayan, isa ring ibong may
Pitong ulo. Ito rin ang dahilan ng kanyang pagkasawi.