Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito?  
a. aktor  
b. direktor  
c. iskrip  
d. manonood   

Sagot :

Sagot: d. Manonood

Ang elemento ng dula na siyang sumasasaksi sa pagtatanghal nito ay ang Manonood. Ang mga manonood ang pinakamahalagang elemento sa dula. Ang isang pagtatanghal ay hindi maituturing na dula kung ito ay hindi napanood o nasasaksihan ng ibang tao. Ang layunin ng dula ay upang maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal ay dapat mayroong makasaksi o makanood.

Ano nga ba ang DULA?

Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Ito ay may layon na maitanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang marami sa mga dulang itinatanghal ay hango o mula sa totoong buhay at ang iilan ay dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Naaayon sa isang nakalimbag na akda na tinatawag na "iskrip" ang lahat ng itinatanghal na dula. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi itinuturing na dula dahil ang tunay na dula ay yaong pinapanood sa isang entablado na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip. Sa kabilang banda, ang "tagpo" naman ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Para sa mga karagdagang depenisyon ng dula: https://brainly.ph/question/1420326

Mga Sangkap ng Dula

Ang mga sangkap ng dula ay nahahati sa tatlong pangunahing grupo at ito ay ang:

  • Simula
  • Gitna
  • Wakas

Simula:

  1. Tagpuan
  2. Tauhan

Tagpuan – panahon at lugar kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula

Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.

Gitna:

  1. Sulyap sa suliranin
  2. Saglit na kasiglahan
  3. Tunggalian
  4. Kasukdulan

Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula

Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.

Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula

Kasukdulan – "climax" sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian.

Wakas:

  1. Kakalasan
  2. Kalutasan

Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian

Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood.

Mga Elemento ng Dula:

  • Iskrip o nakasulat na dula
  • gumaganap o aktor
  • tanghalan
  • tagadirehe o direktor
  • manonood

Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip

Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula

Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase

Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

Para sa halimbawa ng dula sa ating bansa: https://brainly.ph/question/1726922

Para sa halimbawa ng dula sa ibang bansa:

https://brainly.ph/question/1726922