Mayroong apat na panagano ang pandiwa. Ito ay ang panaganong pawatas, panaganong pautos, panaganong paturol at panaganong pasakali. Ang paggamit ng pandiwang nasa panaganong paturol ay mahalaga sa pagbibigay ng makatotohanang impormasyon dahil sa panaganong ito nag-iiba ang anyo ng pandiwa, mula sa pagiging perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo. Kapag ang pandiwa ay ginagamitan ng iba't ibang aspekto ay nagmukha itong mas makatotohanan sapagkat ang aspekto ng pandiwa ay nagpapahayag kung kailan isinagawa ang mga nasabing salitang-kilos. Ang elemento ng panahon na makikita sa bawat aspekto ng pandiwa ang nakadagdag sa pagiging makatotohanan nito.