Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Kahulugan ng Paggalaw
Ito ay tumutukoy sa pagkilos o pag-alis ng isang bagay o tao sa kinalalagyan nito patungo sa ibang direksyon. Ang paggalaw ay kinakailangan ng enerhiya o lakas upang mapakilos ang nais pagalawin. Isa sa halimbawa nito ay ang tao, hindi ito makakaalis sa kinatatayuan nito kung wala itong sapat na lakas upang humakbang at hindi rin nito maitataas ang kamay nito kung wala itong lakas.
Sa kalaikasan naman ay may iba't ibang enerhiya tayo na nagpapagalaw sa isang bagay; maituturing na ang hangin ay isang enerhiya na nagpapakilos sa mga halaman at nagpapaalon sa dagat.
Gamit sa Pangungusap ng salitang Paggalaw
- Ang paggalaw ng kamay ni Hilda ay tanda na humihingi ito ng tulong mula sa kanyang mga kaibigan.
- Ang malakas na hangin ang siyang nagpapagalaw sa mga dahon ng punong mangga.
- Ang paggalaw ng lupa ay bunga ng pagputok ng Bulkang Taal.
- Hindi mapagalaw ni Marta ang kanyang kanang kamay sapagkat ito ang naging bunga ng kanyang pagkahulog sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.
- Ang paggalaw ng mga maliliit na bato sa ilog ay bunga ng malakas na daloy ng tubig.
- Ang mga serbidora sa kaininan ni Manang Tisay ay daliang nagsigalaw ng marinig ang boses ng masungit nitong asawa.
- Ang bilis gumalaw ng mga manlalaro sa ginanap na paligsahan sa bayan ng Lucena.
- Patalon-talon na gumalaw ang tipaklong matapos na ito'y makalaya sa pagkakakulong ng batang humuli dito.
Para sa karagdagang impormasyon ikaw ay inaanyayahang magtungo sa link na nasa ibaba
https://brainly.ph/question/130075
https://brainly.ph/question/588864
https://brainly.ph/question/20636
#BetterWithBrainly
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.