Ang lipunang pambayan, lipunang makabayan o lipunang
sibil ay ang pook na nasa labas ng mag-anak, ng estado, at ng pamihilian
kung saan nakikipag-ugnayan ang mga tao upang mapasulong ang karaniwang mga
adhikain o mga layunin. Paminsan-minsan itong itinuturing na nagsasangkot ng
pamilya at mga pribadong baluwarte at pagkaraan ay tinutukoy bilang
"pangatlong sekto" ng lipunan, na kaiba mula sa pamahalaan at negosyo.
Binigyan ito ng kahulugan ng 21st Century Lexicon ng Dictionary.com
bilang (a) kabuoan o pagsasama ng mga organisasyong hindi pampamahalaan at mga
institusyon na nagpapahayag ng mga kagustuhan at kapasyahan ng mga mamamayan, o
(b) mga indibidwal at mga organisasyon na nasa loob ng isang lipunan na hindi
umaasa sa pamahalaan.