Ang mga lalawigang bumubuo sa Persia ay tinatawag na satrap. Ang salitang ito ay mula sa salita ng sinaunang Persya na xsacapavan na ang ibig sabihin ay tagapagtanggol sa mga lupain. Sa makabagong panitikan, ang satrap ay tumutukoy sa mga pinuno na hawak ng mas malalaking organisasyon. Ang mga pinunong ito ay mistula lamang mga utusa o puppet ng mas malaking grupo o organisasyon. Sa kasalukuyang Persya naman, ang satrap ay tumutukoy sa mga tagapag-alaga ng mga lupain o lungsod o kung tawagin ay townkeeper.