Ang Maurya ay isang imperyong pinamunuan ni Chandragupta Maurya. Siya ang pinunong sumakop sa Magadha noong araw. Sakop din nito ang imperyo ng Hilagang India at isang bahagi ng Afghanistan sa kasalukuyan. Si Asoka
(269-232 B.C.E.) ang kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya at isa sa
mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng daigdig. Ang imperyo naman ng Gupta ay binuo ni Chandragupta I ngunit napasakamay din ng mga White Hun. Ang kabisera ng imperyo ay tinatawag na Pataliputra. Mahusay ang naging pamamalakad sa imperyo dahilan upang yumabong ang yumabong ang panitikan,
sining, at agham dito. Umunlad din ang mga larangan ng astronomiya,
matematika, at siruhiya (surgery) sa panahong ito. Sa kabilang banda, ang Mogul ay isang imperyong itinayo ni Babur. Sa panahon ni Akbar narating ng imperyo ang tugatog ng tagumpay at siya rin ang nagpapatupad ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang
pangangasiwa