Malaki ang naitulong ng mga lipunang sibil sa mga pagkukulang ng pamahalaan sapagkat nagtatag sila ng mga organisasyon na tumulong sa mga sektor ng lipunan na hindi na masyadong naaabot ng serbisyo at pansin ng mga tao sa gobyerno. Ang mga lipunang sibil ay naitatag sa kadahilanang maraming mga tao ang hindi natamasa ang mga karapatang dapat nitong tamasain at dahil sa dami ng inaasikaso ng gobyerno ay malabong mapansin pa ito ng pamahalaan kaya dito pumapasok ang lipunang sibil. Tinutulungan nila ang mga sektor ng lipunan na medyo napapabayaan na ng pamahalaan.