Magkaiba ang antas ng kamuwangan o literacy rate ng bawat bansa dahil ito ay nakadepende sa estado o kabuuang kalagayan nito. Ang kabuuang kalagayan ng ekonomiya, edukasyon, kalusugan at seguridad ay malaki ang nagiging epekto sa pagbabago ng antas ng kamuwangan sa isang bansa. Sa bansang may mababang literacy rate tulad ng Afghanistan ay maaari nating idahilan ang isyung panseguridad ng lugar. Hindi nagkakaroon ng tamang lugar na maaaring matuto ang mga mag-aaral kapag palagi na lang may terorismo. Sa mga bansang may mataas na ekonomiya gaya ng Armenia, Kyrgyztan, at Kazakhstan ay maaaring sadyang pursigido at malakas ang pundasyon ng kanilang edukasyon at bansa.