Ang pagtingin sa iba't ibang pananaw o perspektibo ng tao sa buhay ay mahalagang gawain ng isang tao upang makagawa ng isang mas lohikal at nakakabuting desisyon. Ang pagtingin sa ibang perspektibo ng tao sa buhay ay nakakapagbibigay ng kaalaman sa ibang bahagi ng isyu o pangyayari. Nabubuksan ang mga mata sa iba pang anyo ng kwento at pagkakataon. Nagkakaroon ng kaalaman ang kabilang panig na maintindihan ang mga dahilan ng kabila upang gawin ang mga bagay na nagawa na. Sa ganitong paraan, ay mas magiging matiwasay ang pamumuhay kapag nagkakaintindihan ang magkabilang panig.