Ang mga lalawigang bumubuo sa Persia ay tinatawag na satrap. Ang salitang satrap ay ginagamit din sa makabagong panitikan na tumutukoy sa isang pinunong
naiimpluwensiyahan ng mas malaki at makapangyarihang organisasyon. Ito ay mula sa
salitang Persya na xsacapavan na ang ibig sabihin ay tagapagtanggol ng mga lupain . Ang malalaking "satrapies" o mga malalaking lupain ay nahahati sa
maliliit na mga distrito at ang pagpapangkat-pangkat ng mga satrapies na ito ay
maaaring baguhin ng kani-kanilang mga pinuno.