Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa
loob ng kuweba, naka-tanikala at nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa
ating likuran at ang tanging nakikita natin ay mga anino ng mga bagay sa labas
ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating humulagpos sa tanikala at
lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay.Ang
larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang “Alegorya
ng Kuweba.” Ang taong nakakadena sa binti at leeg ay maaaring mahahalintulad sa taong mangmang. Ang
kadena ng kamangmangan ang gumapos sa kanya upang hindi makaggalaw. Ito ang nagiging dahilan ng pagmamanipula sa kanila ng mga taong walang pilosopiyang kaisipan.