Ang eupemismo o badyang pangpalubagloob ay ang pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar, o bastos na tuwirang nakapananakit ng damdamin o hindi maganda sa pandinig. Halimbawa nito ang paggamit ng "sumakabilang-buhay" sa halip na ang pabalbal na natigok, natepok, o natodas. Isang panggitnang o mahalagang aspeto ng pampublikong paggamit ng katumpakang pampolitikaang pagsasaad ng mga eupemismo.