Ang ligaw na gansa ay tumutukoy sa mga taga-Ehipto na ang tanging gusto lang ay simple at payak na pamumuhay na waring naliligaw sa karagatan ng mabilis na pag-unlad sa Egypt. Ang pain ay tumutukoy sa mistulang puno ng pang-akit na maganda at marangyang buhay dulot ng maunlad na kabihasnan sa Egypt samantalang ang bihag ay tumutukoy sa mga mamamayan sa Egypt na siyang naiipit sa kanilang personal na kagustuhan sa payak na buhay at sa nakakaakit na karangyaang tinatamasa ng kanilang bansa.