Maraming kinakaharap na problema ang isang ekonomiya at isang bansa. Usaping salapi, pangangalaga ng yamang lupa at tubig, korupsyon, kahirapan at marami pang iba. Ang salitang alokasyon ay nangangahulugang isang paraan, sistema, o mekanismo kung saan kinakailangang ipamahagi ang isang bagay(Hal. Salapi) mula sa pinagkukunang-yaman nang sa gayon ay mapunan ang napipintong kakapusan, gayundin ang anumang suliranin sa lipunan o ekonomiya.