Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ano ang katangiang heograpikal ng kabihasnang tsino?

Sagot :

                Malawak ang Tsina at tinagurian itong bansa ng mga ilog at kabundukan na siyang pangunahing dahilan ng pagkakaiba-iba ng mga Tsino. Sa ilog-lambak nito, lalo na ang makasaysayang Huang Ho sa hilaga at ang ilog Yangtze umusbong ang sinaunang kabihasnan ng mga Tsino. Umusbong ang pilosopiyang Tsino sa panahon ng Dinastiyang Chou. Pangunahing pantas na kinilala sina Confucius, Lao-Tze, Mencius, at Mo Tzu. Sa mga ambag ng sinaunang kabihasnang Tsino, nangunguna ang Great Wall of China, sistema ng irigasyon, serbisyo sibil, pilosopiyang Confucianism at Taoism, ang sistema ng sericulture at seda, agrikultura, literatura, at istruktura ng pamahalaang imperyo. 
               Masasabi na pinakapundasyon ng sinaunang kabihasnan ang dinastiyang Shang at Chou. Dito nalinang ang kultura ng mga Tsino. Sa Shang pinanday ang kanilang kaisipan. Nahubog ng Confucianismo at Taosimo ang katauhan ng mga Tsino. Tinangka itong burahin ng dinastiyang Ch’in subalit nag-ugat na ito nang malalim sa mga Tsino at walang sinumang makabubura nito sa kanilang pagkatao. Hindi na mabibilang ang mga sumunod na dinastiya, subalit naging pamantayan nito ang mga naunang dinastiya.